>\ KIMPURA!
KIMPURA! Facebook HIT ME! SUBMIT
¤ 12 - 02 - 12 (AM)
1 note
§ Reblog
¤ 10 - 26 - 12 (PM)
0 notes
§ Reblog

THIS WORLD WAS ONCE BEAUTIFUL.


¤ 10 - 26 - 12 (PM)
0 notes
§ Reblog

I LOVE YOU BUT…

Ito yung linya na karaniwan mong maririnig sa magkarelasyon na nasa proseso na ng break-up o yung mangilan-ngilan eh namimiligro na ring maghiwalay.. Hay. bakit parati nalang may pahabol na PERO. KASO. KAYA LANG. EH KASI. atbp.  Hindi ba pwedeng ..

MAHAL KITA.  

Oo, mahal kita. Tama! Mahal kita tuldok. Simpleng simple. Hindi na kelangan ng marami pang satsat. Hindi na kelangan ng maraming pang paliguyligoy. Hindi na kelangan ng maraming kuda. Hindi ba pwedeng ganun na lang kasimple?  

Pinalalabo nyo lang ang usapan ee..
Pinatatagal ang paghihirap.
Binibigyan nyo lang ang isa’t isa ng karampot na pag-asa na baka pwede pa nga.

 
 

Jusko harapin ang realidad. Kung mahal mahal. Kung hindi na .. Eh di hindi. Deretsahan. Walang likuan. Straight to the point. Walang mabubulaklak na salitang babalot sa salitang mahal.



isang malaking TULDOK. 


¤ 07 - 08 - 12 (AM)
0 notes
§ Reblog

pakialamera:

Sabi daw nila, luto ang laban. Tignan niyo, sunog ang kalaban. Hahahahaha. :)))

(Source: pilosopogyno)


Source: yhe2d |
¤ 06 - 10 - 12 (PM)
270 notes
§ Reblog

BIGO.

Kanina pang nangangati ang utak ko sa pagsasambulat sa matagal ng lihim na pagtingin. 

Walang lakas ng loob. Nanghihina. Nangangatog ang mga tuhod

Lalapit. Lalapit. Papalapit ng papalapit. Ngunit bakit tila tumatakbong palayo ang pintig ng puso. Wari koy’ naghahabulan sa magkataliwas na landas. 

Hindi maipaliwanag.  Hindi maibulalas. 

Hindi mailabas ang dilang kanina pang nag-aabang. Hindi mabilang na salita subalit ni isa’y hindi nagkamit ng tinig. Lumuluha na lamang ng tahimik. Tatanggapin ang masakit na katotohanan. Piping saksi ang hangin. Binging gabay naman ang ulan. Sasaliw ang luha sa bumubuhos na perlas ng langit. Hahandusay sa gitna ng nagsusumitsit na buwan. Pipikit at hindi na muling susubuking dumilat.


¤ 06 - 05 - 12 (PM)
0 notes
§ Reblog

Utak kahapon.

Utak sa nakaraang panahon.

Utak noon magpasahanggang ngayon.


¤ 05 - 30 - 12 (PM)
0 notes
§ Reblog
¤ 05 - 30 - 12 (PM)
1 note
§ Reblog
KIMPURA! | Haribol Theme by The Eventh Guy Powered by Tumblr