>\ KIMPURA!
KIMPURA! Facebook HIT ME! SUBMIT

SUMMERFUN @ CRISTINA VILLAS at Antipolo, Rizal WITH TEN-EN!
ROCK ON BOOYAH! :))

GAGRADUATE TAYOOOO!



¤ 04 - 09 - 12 (PM)
2 notes
§ Reblog

HUMIHINGA NG LETRA

Nagsusulat ako, kumakain, nagdarasal,

Nagsusulat ako, nagbabalik-tanaw.

Nagsusulat ako, humihinga ng matagal. 

Nagsusulat ako, UMIIBIG, NAGMAMAHAL.
 

Buntong hininga katumbas paghubog ng letra

Isang hagalpak sangkaterbang salita naipinta.

Hangin ko ang pagsusulat!

Tubig ko ang pagkamulat!


¤ 04 - 09 - 12 (PM)
0 notes
§ Reblog

TIWALA

isang salita
anim na letra
tatlong pantig

Simpleng salita kung bibigkasin, pero napakahirap ibalik pag nawala kung tutuusin.

TIWALA


¤ 04 - 09 - 12 (PM)
3 notes
§ Reblog

EROS ATALIA'S 5TH BOOK :))

LOOOOKING FORWARD! 


¤ 04 - 09 - 12 (PM)
1 note
§ Reblog

ILANG SIGLO KA NG NASA KAHON?

Paano makakalipad ang uwak kung hindi maglalakad?

Paano mararating ang bukas kung hindi ka muna hihimlay?

Paano maabot ang dulo ng dagat kung hindi mo sisimulang suyurin ang gubat?

Paano matatapos ang pighati kung hindi ka magsusulat?


Lumabas ka sa kahon. Sa kahon kung saan ilang siglo ka ng nagmumukmok at naghihintay na mabago ang ikot ng panahon. Sa kahon kung saan ka natutong imulat ang mga mata at gumapang palapit sa butihing ina.. Sa kahon kung saan ka unang nadapa at muling tumindig. Sa kahon kung saan matagal kang nagtago.
  

Lumabas ka sa kahon ng maramdaman mo ang haplos ng sumasayaw na hangin.

Lumabas ka sa kahon ng tuluyan mong madama ang nanggagalaiting init ng araw.

Lumabas ka sa kahon ng mahawakan mo ang lamig ng natutulog na ilog.


Maglakad ka at libutin ang buong nayon. Galugadin ang matagal ng nagaabang na mga oportunidad. Imulat ng mahusay ang mga matang matagal ng nagbubulagbulagan. Maglakad ka. Tumakbo. Makipagunahan sa mga kagaya mong ngayon pa lamang lalabas ng kahon sa loob ng ilang siglo. 


ILANG SIGLO KA NA NGA BANG NASA KAHON?


SA TINGIN KO? PANAHON NA PARA IKA’Y LUMABAS AT BUMANGON. 


¤ 04 - 05 - 12 (PM)
0 notes
§ Reblog

SIGURO KASI TAO TAYO?

Maraming nagtatanong kung bakit kelangan pang masaktan, kung bakit kelangan pang masugatan, kung bakit kelangan pang mauntog at madapa?

Siguro kasi tao tayo..


Hindi naman pwedeng parati nalang tayong masaya. Paano magiging balanse ang mundo diba? tao ka! Alalahanin mo yan. Kaya malamang na may posibilidad na masktan ka anumang oras. Malamang nakakaramdam ka e. Sige kung ayaw mong masaktan, hilingin mong maging bagay ka na lang forevs. Hilingin mo na sana hindi ka na lang humihinga, na sana wala ng heartache as in. Sa tingin mo kung ganon sasaya ka? Aba malamang hindi ka sasaya nun, alalahanin mo, walang pakiramdam ang mga non-living things..

Wala ka namang lusot ee.. its either, tanggapin mo na tao ka- dapat balanse, kung me happy moments aba eh di me mga dull and sad moments din or ipagpilitan mong maging non living thing eklaber foreber para di ka na masaktan.

Tanggapin mo na lang. Magpasalamat ka at TAO ka. TAO RIN AKO :) 


¤ 03 - 31 - 12 (PM)
0 notes
§ Reblog

SILONG

 Naglakad ako ng malayo.

Malayo.

 Kung saan ang dulo ng dagat ay di ko maarok
 Sa dulo ng walang hanggan.

Tumakbo sa silong
Narinig ang paparating na ulan
Sumabay sa indayog ng naglalarong hangin at buwan.

 Umupo sa sulok
 At doon natitirang alaala ay binalikan
 Kasabay ng matinding galit ng kalangitan.

Hampas ng tubig sa dalampasigan
Hagupit ng rumaragasang ulan
Nagbabadyang pagkasira ng sanlibutan.

 Pinikit ang mata.
 
Giniit ang natitirang pag-asa.

 Damhin ang natitirang ligaya
 Perlas ng luha’y matutuyo na. 


¤ 03 - 25 - 12 (PM)
1 note
§ Reblog
Life is not a series of chances but a series of choices
DZAS


¤ 03 - 25 - 12 (PM)
0 notes
§ Reblog
KIMPURA! | Haribol Theme by The Eventh Guy Powered by Tumblr